⚠️ POWER UPDATE: UNDERVOLTAGE
June 17, 2025
Noong June 8 ay nakaranas ng unscheduled power interruption ang bayan ng Castillejos dahil sa pagkasunog ng Terminal Kit sa Castillejos Substation. Nagsagawa ng load-shifting kung saan ang kalahati ng Castillejos ay nakakonekta sa San Marcelino at ang kalahati ay sa Subic habang isinasagawa ang pagkukumpuni. Sinubukang ibalik sa normal loading kinagabihan, ngunit nanatili ang problema.
Noong June 13, matapos ang pagkukumpuni, ay muling sinubukang ibalik sa normal loading ang Castillejos line subalit hindi pa rin naging matagumpay. Sa ngayon, nananatiling nakakonekta sa linya ng Subic at San Marcelino ang parehong kalahati ng Castillejos.
Dahil dito, maaaring makaranas ng under voltage ang mga dulong lugar ng Subic, Castillejos, at San Marcelino, lalo na tuwing peak hours. Maaari ring makaranas ng biglaang pagkaantala sa kuryente kapag masyadong malaki ang load.
• Mataas na demand sa linya
• Layo ng lugar mula sa substation
• Pagkumpuni at load balancing sa Castillejos at Substations
✅ Mga Paraan Upang Makatulong:
- Balansehin ang Konsumo
- Patayin ang malalakas sa kuryente
- Gamitin lamang ang mga importanteng appliances
- Iwasan ang sabay-sabay na gamit
- I-unplug ang sensitibong electronics
- Bawasan ang Paggamit ng Heavy Appliances
Iwasan ang paggamit ng heaters, pumps, o iba pang malalakas sa konsumo kapag may undervoltage. - Gumamit ng Voltage Stabilizers o UPS
Para sa appliances gaya ng aircon, TV, refrigerator, at computer/router. - Magkabit ng Whole-House Voltage Protector
Para sa buong bahay bilang proteksyon laban sa biglaang voltage drop o surge.
📡 Kasalukuyang Sitwasyon ng Koneksyon:
- Mula Palengke ng Castillejos hanggang Del Pilar (kasama ang Balaybay) – nakakonekta sa Feeder 7 ng Subic Substation
- Ang kabilang bahagi (San Isidro, Looc hanggang Nagbunga) – nakakonekta sa Feeder 4 ng San Marcelino Substation