π‘ LIFELINE RATE DISCOUNT APPLICATION
π ANO ANG LIFELINE RATE DISCOUNT?
Ang Lifeline Rate ay isang subsidiyang ibinibigay sa mga marginalized o low income consumers na hindi kayang magbayad ng kuryente sa buong presyo nito. Ipinapatupad ito ayon sa Republic Act 9136 o EPIRA Law.
Ang ERC o Energy Regulatory Commission ang nagtatalaga ng lebel ng kuryente kung saan ang paggamit ng mas mababa dito ay nangangahulugan na ikaw ay nabibilang sa marginalized o low income consumers.
Noong May 27, 2021, naipasa ang RA 11552 na nag-aamyenda at nagpapalawig sa Lifeline Rate Discount.
π₯ SINO ANG PWEDENG MAKA-AVAIL?
- β Kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
- β Kabilang sa below poverty threshold ayon sa PSA at Social Welfare Development Office
π Kinakailangan na:
- β‘ Hindi tataas sa 25 kWh ang buwanang konsumo
- β‘ Nakapangalan sa aplikante ang metro
- β‘ Residente o miyembro ng pamilya sa bahay sakop ng ZAMECO II (magbigay ng Government ID o Barangay Certificate)
- β‘ Nangungupahan at ang metro ay nakapangalan sa may-ari (magbigay ng Government ID o Barangay Certificate)
- β‘ Paupahang bahay ng 4Ps beneficiary o kaanak nito (kailangan din ng Barangay Certificate)
β SINO ANG DISQUALIFIED?
- π« Nakatira sa condominium o subdivision (maliban sa proyektong pang-gobyerno)
- π« Nag-aavail ng net metering (maliban sa qualified marginalized end-users)
- π« Konsumo ay mababa pero hindi kwalipikado
- π« Mga MCO’s na lumabag sa RA No. 7832 o Theft of Electric Transmission Lines Act
π KWALIPIKASYON AT REQUIREMENTS
βοΈ 4Ps Beneficiary
- π Application Form
- π Pinakabagong Electric Bill
- πͺͺ Valid Government ID (may address at pirma)
* Validity depende sa nakasaad sa DSWD Certificate
βοΈ Poverty Threshold
- π Certification mula sa Social Welfare Office (issued within 6 months)
- π Application Form
- π Pinakabagong Electric Bill
- πͺͺ Valid Government ID
* Valid sa loob ng 3 taon. I-renew 2 buwan bago expiration.
βοΈ Renewing Qualified Non-4Ps
- π Certification mula sa Social Welfare Office (issued within 6 months)
- π Application Form
- π Pinakabagong Electric Bill
- πͺͺ Valid Government ID
- π Previous ZAMECO II Lifeline Certification
π° DISKWENTO SA KONSUMO
- 0β20 kWh β 50%
- 21β25 kWh β 25%
*Ang diskwento ay direktang maibabawas sa electric bill
Ang prosesong ito ay alinsunod sa RA 11552: “An Act Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate…”
π£ ATTENTION PLEASE!
β Pwedeng mag-apply simula Hulyo 2023!
π Magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng ZAMECO II at dalhin ang kumpletong requirements para sa aplikasyon.