July 2, 2025

Understanding SOA

📄 Understanding of Statement of Account

1 GENERATION CHARGE (Pass-through) — Ito ay para sa kuryenteng binibili ng ZAMECO II sa National Power Corporation (NPC) at Independent Power Producers (IPPs).
2 TRANSMISSION CHARGE (Pass-through) — Ito ay binabayad para sa paghatid ng kuryente mula sa mga generator na nasa probinsya o malalayong lugar sa pamamagitan ng High Voltage Transmission Grids papunta sa pasilidad ng ZAMECO II. Ang bayad ay napupunta sa National Transmission Company (TRANSCO).
3 DISTRIBUTION CHARGE (ZAMECO II) — Ito ay para sa operasyon at pagmentena ng mga pasilidad ng ELECTRIC COOPERATIVE na nagdadala ng serbisyo sa lahat ng end-users/customers.
4 SUPPLY CHARGE (ZAMECO II) — Ito ay para sa serbisyo ng mga electric coop sa mga consumer, gaya ng billing, pangungulekta, customer assistance at iba pa.
5 METERING CHARGE (ZAMECO II) — Kasama dito ang halaga, pagbabasa, operasyon at pagmentena ng mga metro ng kuryente.
6 UNIVERSAL CHARGES (Pass-through) — Ito ay napupunta sa PSALM na pag-aari at kontrolado ng gobyerno at nilikha ng RA9136. Sa pitong bahagi na bumubuo nito, 2 pa lang ang sinisingil ng electric coop. Ang Missionary Electrification at Environmental Charges ay para sa pagpapalawak ng serbisyo at pangangalaga sa kalikasan.
7 UNDER RECOVERY REINSTATEMENT / PPD (₱0.043 / kWh) — Ito ay inaprubahan ng ERC upang makolekta ng Kooperatiba ang kakulangan sa inaprubahan Taripa hinggil sa pagbawi sa sobrang pagpasa ng “PROMPT PAYMENT DISCOUNT”.
8 INTER-CLASS CROSS SUBSIDY CHARGE (Pass-through) — Halagang sinisingil sa mga uri ng end-users upang mapababa ang taripa ng kuryente para sa ibang sektor.
9 LIFE LINE RATE DISCOUNT/SUBSIDY (Pass-through) — Ito ay tulong na halaga na ibinigay sa mga residential consumers na may buwanang kunsumo na hindi hihigit sa 25 kWh o mga lifeline end-users na walang kakayahang magbayad ng kabuuang halaga ng nakonsumong kuryente. Ang subsidy ay mula sa lahat ng end-users na hindi lifeline customers.
10 NPC STRANDED CONTRACT COST (₱0.1938 / kWh) — Ito ay dagdag singil sa kuryente batay sa petisyon ng PSALM sa ERC Case No. 2011-091 RC na inaprubahan noong January 28, 2013, para mabawi ng NAPOCOR ang “Stranded Contract Costs” mula 2007–2010.