📞 047-602-2401 / 047-602-2402 Mon–Fri: 7:30 AM – 5:00 PM
Member-Consumer Owned Electric Cooperative

Announcement


NEW PAYMENT PARTNER!

?????? ?? ????? ??????? ??? ????

ZAMECO II bills can now be paid at any USSC branch through over-the-counter transactions. Overdue bills are accepted as long as the service has not been disconnected. Payments are posted in real-time.

? Tips for a Smooth Transaction:

  • ? Bring a copy of your billing invoice.
  • ? Request and keep your transaction receipt.
  • ✅ Immediately verify your payment by using the “Check My Bill” feature on the ZAMECO II official Facebook Page.

Alam mo ba na may diskwento sa buwanang konsumo ang mga senior citizen?

? SENIOR CITIZEN DISCOUNT

RA 9994 – Expanded Senior Citizens Act of 2010

Alam mo ba na may 5% diskwento sa buwanang konsumo ng tubig at kuryente ang mga senior citizen? Ayon sa batas na ito:

SEC. 4. Privileges for the Senior Citizens
“(c) the grant of a minimum of five percent (5%) discount relative to the monthly utilization of water and electricity supplied by the public utilities:

? Provided, that the individual meters for the foregoing utilities are registered in the name of the senior citizen residing therein.

? Provided, further, that the monthly consumption does not exceed 100 kWh (electricity) and 30 m³ (water).

? Provided, furthermore, that the privilege is granted per household regardless of the number of senior citizens residing therein.”

? Mga Requirements:

  • ? Senior Citizen ID (Patunay ng Edad)
  • ? Barangay Clearance (Patunay ng Tirahan)
  • ? Kopya ng Billing Statement (SOA – kahit anong buwan)
  • ? 1 pirasong 2×2 picture
  • ? Authorization Letter + Valid ID kung representative ang magpoproseso

⚠️ Mga Kondisyon:

  1. Dapat nakapangalan sa senior citizen ang metro/account.
  2. Ang konsumo kada buwan ay hindi hihigit sa 100 kWh.
  3. Isang senior lamang kada household ang maaaring makinabang.
  4. Taun-taong pagrerehistro sa ZAMECO II para sa renewal ng diskwento.
  5. Dapat ay isang taon na nakapangalan sa senior citizen ang account bago mag-apply.
✅ Ang diskwento ay awtomatikong maibabawas kung lahat ng kondisyon ay natugunan.

POWER UPDATE: UNDERVOLTAGE

⚠️ POWER UPDATE: UNDERVOLTAGE

June 17, 2025

Noong June 8 ay nakaranas ng unscheduled power interruption ang bayan ng Castillejos dahil sa pagkasunog ng Terminal Kit sa Castillejos Substation. Nagsagawa ng load-shifting kung saan ang kalahati ng Castillejos ay nakakonekta sa San Marcelino at ang kalahati ay sa Subic habang isinasagawa ang pagkukumpuni. Sinubukang ibalik sa normal loading kinagabihan, ngunit nanatili ang problema.

Noong June 13, matapos ang pagkukumpuni, ay muling sinubukang ibalik sa normal loading ang Castillejos line subalit hindi pa rin naging matagumpay. Sa ngayon, nananatiling nakakonekta sa linya ng Subic at San Marcelino ang parehong kalahati ng Castillejos.

Dahil dito, maaaring makaranas ng under voltage ang mga dulong lugar ng Subic, Castillejos, at San Marcelino, lalo na tuwing peak hours. Maaari ring makaranas ng biglaang pagkaantala sa kuryente kapag masyadong malaki ang load.

Ang mahinang boltahe ay sanhi ng:
• Mataas na demand sa linya
• Layo ng lugar mula sa substation
• Pagkumpuni at load balancing sa Castillejos at Substations

✅ Mga Paraan Upang Makatulong:

  1. Balansehin ang Konsumo
    • Patayin ang malalakas sa kuryente
    • Gamitin lamang ang mga importanteng appliances
    • Iwasan ang sabay-sabay na gamit
    • I-unplug ang sensitibong electronics
  2. Bawasan ang Paggamit ng Heavy Appliances
    Iwasan ang paggamit ng heaters, pumps, o iba pang malalakas sa konsumo kapag may undervoltage.
  3. Gumamit ng Voltage Stabilizers o UPS
    Para sa appliances gaya ng aircon, TV, refrigerator, at computer/router.
  4. Magkabit ng Whole-House Voltage Protector
    Para sa buong bahay bilang proteksyon laban sa biglaang voltage drop o surge.

? Kasalukuyang Sitwasyon ng Koneksyon:

  • Mula Palengke ng Castillejos hanggang Del Pilar (kasama ang Balaybay) – nakakonekta sa Feeder 7 ng Subic Substation
  • Ang kabilang bahagi (San Isidro, Looc hanggang Nagbunga) – nakakonekta sa Feeder 4 ng San Marcelino Substation

? Kaugnay na Pabatid:

1 12 13 14 15 16 17