β‘ ELECTRICAL SAFETY TIPS
π September 23, 2025
-
-
- π§οΈ Sa ilang araw na patuloy na pag-ulan, may mga lugar na nakakaranas ng pagbaha lalo na ang mga tinatawag na “low lying areas”. Kaugnay nito, maaaring maging peligro ang kuryente sa mga tahanang nabababad sa tubig, narito ang ilang paalala:
-
- β οΈ Mag-ingat at maging mapagmatyag sa paligid β Mag-monitor sa kalagayan ng inyong lugar at sumunod sa preemptive measures ng lokal na pamahalaan patungkol sa posibleng paglikas.
- π Tingnan kung naaabot na ng tubig ang saksakan β Suriin kung ang inyong mga saksakan ay naaabot na ng tubig-baha o kung ito ay nababasa.
- π« Huwag hawakan ang mga linya sa loob ng bahay na basa β Iwasang hawakan ang mga linya lalo na kung ito ay nabasa.
- π΄ I-off ang Circuit Breaker β Huwag iwang nakabukas ang Circuit Breaker kung naaabot na ng tubig ang saksakan sa loob ng bahay, mas lalo kung kailangang lumikas.
- β οΈ Ito ay nararapat gawin sa mga tahanang nakakaranas ng pagbaha.
- π‘ Samantalang pinapanatili ng ZAMECO II ang serbisyo-elektrisidad sa nasasakupan nito, ay maaaring magpatupad ng EMERGENCY POWER INTERRUPTION sa mga lugar na lubhang mataas ang tubig. Ito ay isinasagawa upang masiguro ang kaligtasan ng pangkalahatang publiko.
-
π Para sa kabatiran ng lahat.
