PAHAYAG MULA SA PAMUNUAN NG ZAMECO II

Sa aming mga member-consumer-owner ng ZAMECO II, Nais po naming ipagbigay – alam ang nangyaring pagka antala  ng supply ng kuryente sa mga bayan ng Cabangan, San Felipe at San Narciso ay  sanhi ng malakas na pagkidlat na nagtrigger ng pag shutdown ng system bilang proteksyon ng ating Maloma Substation. Naibalik ang supply  ng power sa Cabangan pagkatapos ng isang oras, samantalang ang linya ng San Felipe kung saan naka konekta  ang bayan ng San Narciso, ay hindi agad maibalik ang supply dahil sa isang line fault. Sa agarang pag pa-patrol ng mga ating crew ay nakita ang putol na High Tension Wire sa may barangay Sindol, bayan ng San Felipe. Natagalan ng bahagya ang pagdudugtong ng linya dahil sa gitna ang pagkakapatid nito na dahilan ng pagbaklas pa ng linya. Pagkatapos maidugtong ay muling pagkabit ng linya sa poste. Nang matapos ang pagsasaayos ng kawad ay doon muling sinubukan ang pagbabalik ng supply bagamat nawala ulit panandalian dahil sa pag adjust ng settings ng substation ay naisaayos na din muling nagkaroon ng kuryente ang bayan ng San Felipe at San Narciso.

Hindi po kagustuhan ng kooperatiba ang magkaroon ng power interruptions. Makakaasa po kayo na gumagawa po ng mahusay na paraan ang ating kooperatiba upang maiwasan ang power outages.

Maraming salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *